31.6 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Isang suspek sa Maguindanao massacre arestado

- Advertisement -

Naaresto ng mga tauhan ng police regional office 12 ang isang pulis na sangkot sa madugong Ampatuan massacre sa Maguindanao noong 2009.

Kinilala ni P/Ltc. Barney Condes, force commander ng regional mobile force battalion 12 ang naaresto na si Patrolman Suari Esmail na kilala rin sa alyas na Alfie sa bisa ng warrant of arrest.

Nasukol si Esmail nang makatanggap ng isang tip ang mga pulis mula sa isang impormante hinggil sa presensya nito sa hangganan ng Lambayong sa Sultan Kudarat at Sultan sa Barongis sa Maguindanao.

Dahil dito, dadalhin sa Quezon City Regional Trial Court branch 221 si Esmail na may patong na P300,000 sa ulo para isailalim sa paglilitis.

Magugunitang 58 ang nasawi sa madugong massacre sa Maguindanao kung saan, kabilang dito ang may 32 miyembro ng media. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -