27 opisyal ng PNP na na-promote, nanumpa na

27 opisyal ng PNP na na-promote, nanumpa na

by Powered by DWIZ
33 views

Pormal nang nanumpa at ginawaran ng bagong ranggo ang nasa 27 opisyal ng Philippine National Police (PNP).

Mismong si PNP Chief Gen. Archie Gamboa ang nagsabit ng ikalawang Estrella kina NCRPO Chief Maj/Gen. Debold Sinas at CIDG Chief Maj/Gen. Joel Coronel.

Itinanghal namang mga bagong heneral sina P/Bgen. Romeo Caramat Jr. ng PNP drug enforcement group, P/Bgen. Alessandro Abella ng women and children’s protection center, P/Bgen. Flyn Dongbo ng directorate for investigative and detection management.

Gayundin sina P/Bgen. Rommil Mitra ng firearms and explosives office, P/Bgen. Daniel Mayoni ng directorate for information and communications management, P/Bgen. Prexy Tanggawohn ng office of the chief PNP at P/Bgen. Baltazar Israel ng PNP Internal Affairs Service.

Maliban sa mga nabanggit, nasa 18 opisyal pa ang umakyat bilang full pledged colonel salig na rin sa inilabas na rekumendasyon ng National Police Commission (Napolcom). — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)

0 comment

Related Posts