Saturday, May 4, 2024

Pagbyahe sa ibang bansa bahagi ng trabaho — Bello

- Advertisement -

Pinabulaanan ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, ang pagrereklamo sa kanya sa Ombudsman sa kasong corruption dahil sa umano’y sobra-sobra nitong pagbi-byahe sa ibang bansa.

Ayon kay Secretary Bello, ang pagbibyahe niya sa ibang bansa ay bahagi ng kanyang trabaho.

Aniya, hindi niya magagampanan mabuti ang kanyang trabaho kung hindi nito mapupuntahan ang mga kababayan sa ibang bansa.

Paano ko maaalagaan ang ating mga kababayan na nagtatrabaho sa abroad kung hindi ko mismo puntahan sila, maraming nagrereklamo sa akin maraming nagsabi na inaapi sila, pinapabayaan sila ng ating mga tanggapan doon sa ibang bansa kailangan malaman ko kung ano talaga ang nangyayari kaya pinupuntahan ko ‘yan,” ani Bello.

Samantala, iginiit rin ni Bello na hindi siya makakapunta ng ibang bansa kung wala siyang travel authority na galing sa gobyerno.

Kailangan yung travel authority kapag pumunta ka sa report at iprisinta yung ticket mo, tatanungin ka kung may travel authority ka ba, gano,” ani Bello. — sa panayam ng Balitang Todong Lakas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img