Mariing tinututulan ng National Dengvaxia Task Force ang muling pagbuhay sa paggamit ng dengvaxia sa bansa.
Ito ay sa gitna ng idineklarang national dengue epidemic sa buong Pilipinas.
Ayon kay Dr. Eduardo Janairo, chairman ng National Dengvaxia Task Force, hindi pa napapatunayan kung epektibo ang naturang bakuna kaya’t hindi nila ito irerekumenda.
Simple lang naman, dahil ang madalas nilang sinasabi, ‘pag epidemya daw, mas maganda daw gumamit ng bakuna, totoo ‘yon, magandang gumamit ng bakuna pero depende ‘yan sa prinsipyo ng bakuna. ‘Yung bakunang sinasabing magandang gamitin pag epidemya ay ‘pag tinurukan ka, mapoproteksyunan ka at meron kang panlaban para du’n sa virus na kumakalat, kung ganoon ang dahilan kung bakit magkakaroon tayo ng bakuna para sa dengue, okay ‘ya, pwedeng gamitin,” ani Janairo.
Aniya, dapat munang mapatunayan na kayang labanan ng dengvaxia vaccine ang dengue virus at wala itong masamang epekto sa mga indibidwal na matuturukan nito bago nila payagan ang muling paggamit nito.
Matatandaang, idineklara na ng Department of Health ang national dengue epidemic matapos pumalo sa 150,000 ang kabuuang kaso ng dengue sa bansa ngayong taon.
Pero, ano ba ‘yung existing ngayon, ‘yung dengvaxia, ‘yan lang ang naibigay sa Pilipinas na ang prinsipyo ay ganito, sabi ng gumawa, pag ikaw ay hindi naturukan, ay ikaw ay nagkaroon ng dengue dati at naturukan ito, maganda sa iyo, magagamit mo, pero hindi ‘yun nakakasigurado na hindi ka ulit magkakaroon ng dengue, so magkakaroon ka pa rin. Ang isa pang, isang Malala, ‘pag ikaw ay hindi nagkadengue dati, dapat huwag kang turukan kasi ‘pag naturukan ka nitong vaccine na ito at dati kang walang impeksyon ng dengue, malala ang magiging sakit mo,” paliwanag pa ni Janairo.
Ratsada Balita Interview