Duterte nakiisa sa paggunita sa Ninoy Aquino Day

0
40

Nakikiisa ang Pangulong Rodrigo Duterte sa paggunita ng sambayanan sa anibersaryo ng pagpatay kay dating senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

Sa kanyang mensahe, kinilala ng pangulo ang malaking papel ni Ninoy para maibalik ang demokrasya sa Pilipinas.

Ayon sa pangulo, naway maging tagapag-paalala ang araw na ito na responsiblidad ng bawat Pilipino na bantayan ang kalayaang nakamit ng mga Pilipino nang mamatay si Ninoy.

Nagpahayag ng pagasa ang pangulo na magsisilbi ring inspirasyon sa lahat ng manggagawa at opisyal ng pamahalaan ang integridad at katapatan ni Ninoy sa pagseserbisyo sa bayan.