Water level sa Angat dam malayo pa rin sa normal operating level

0
46

Halos tatlong metro (3m) pa ang layo ng water level ng Angat dam bago ito tuluyang sumampa sa minimum operating level.

Batay sa pinakahuling tala ng PAGASA Hydrology Division, nasa 177.43 meters ng water level sa Angat sa nakalipas na 24 oras.

Malayo pa rin ito sa 180 meters na normal operating level ng Angat dam.

Kaugnay nito, muli namang nabawasan ang water lebel ng Ipo at La Mesa dam.

Habang nabawasan din naman ang antas ng tubig sa Ambuklao, Binga, Magat at Caliraya dam.