Sunday, April 28, 2024

Pagbugso ng Amihan nakaaapekto sa northern, central Luzon —PAGASA

- Advertisement -

Bahagya pang nagkaroon ng pagbugso ang Amihan at apektado na ngayon ang Northern at Central Luzon.

Maliban sa Amihan, sinabi ng PAGASA na binabantayan din nito ang dalawa pang weather system kabilang ang Low Pressure Area (LPA) sa Mindanao at ang buntot ng cold front na nakakaapekto sa Bicol Region.

Ipinabatid ng PAGASA na ang LPA ay pinakahuling namataan sa layong 150-kilometro, silangan, hilagang-silangan ng General Santos City.

Inaasahang tatawirin ng LPA ang kalupaan ng Mindanao bago posibleng tuluyang malusaw sa bahagi ng Sulu Sea.

Dahil sa nasabing LPA, ang buong Visayas at Mindanao ay makakaranas na ng kalat-kalat na pag-ulan ngayong araw na ito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -