30 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Pagbubukas ng klase sa mga MECQ areas pinauurong ng ilang senador

- Advertisement -

Ipinanawagan ng dalawang senador ang pagpapaliban muna sa pagbubukas ng klase para sa mga lugar na nakasailalim pa sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Ayon kay Senate Committee on Basic Education chairperson Sherwin Gatchalian, ini-rerekumenda nila na ipagpaliban muna ang pagbubukas ng klase sa darating na Agosto 24.

Dahil bukod aniya sa online learning ay naka-asa rin ang distance learning sa modular system mode.

Sa ilalim aniya nito ay ihahatid sa mga bahay ang printed modules na delikado para sa mga magulang, bata, at mga guro.

Kaugnay nito, binigyang diin din ni Gatchalian na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang R.A. 11480 na nag bibigay ng kapangyarihan sa pangulo na i-reschedule ang pagbubukas ng klase sa buong bansa.

Samantala, sinabi naman ni Senator Francis Tolentino na mayroon pang pitong araw ang Department of Education (DepEd) para balangkasin ang implementing rules and regulation (IRR) ng naturang batas.

Dahil dito, umapela si Tolentino sa mga opisyal ng DepEd na ikonsidera ang panganib na maaring kaharapin ng mga estudyante at mga guro na nasa high-risk area dahil pa rin sa banta ng COVID-19.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -