29.8 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Mga estudyanteng sasalang sa online schooling iminungkahing makatanggap ng passing grades

- Advertisement -

Hindi dapat makatanggap ng bagsak na grado ang mga estudyante ngayong nasa gitna ng krisis pang-kalusugan ang Pilipinas.

Ito ang iminumungkahi ngayon nina Senator Christopher “Bong” Go at Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri para sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa Agosto 24.

Sinabi ni Go, habang hindi pa normal ang sitwasyon sa bansa ay dapat walang bumagsak na estudyante upang hindi ma-pressure ang mga mag-aaral.

Aniya, sa paglipat ng bansa sa online learning ay dapat na mabigyan ng pantay-pantay na oportunidad ang mga mag-aaral.

Paliwanag pa ni Go, kung sila nga aniya sa Senado ay nahihirap sa pag transition sa online ay mas lalo naman aniyang mahihirapan ang mga ordinaryong mga Pilipino, partikular na ang mga estudyante at guro.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Zubiri na sa gitna ng emergency situation ay parang nasa gitna ng giyera ang Pilipinas kung saan ang kalaban ng bansa ay ang COVID-19, at kailangan aniyang mapagbigyan ang mga kabataan lalo na ang sektor ng edukasyon.

Paglilinaw pa ni Zubiri sa susunod na anim na buwan ay makabubuti aniya na ipasa na lamang muna ang mga estudyante hanggang sa maibalik na sa normal ang sitwasyon kung saan pupuwede na ang face-to-face classes.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -