28.5 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Pagbubukas ng klase ipinagpaliban sa Oct. 5 —DepEd

- Advertisement -

Inurong na ng Department of Education (DepEd) ang pagbubukas ng klase sa ika-5 ng Oktubre imbes sa nakatakda sanang pagbubukas nito sa darating na ika-24 ng Agosto.

Ito mismo ang inianunsiyo ni DepEd secretary Leonor Briones kung saan opisyal nang iniurong ang pagbubukas ng klase sa bansa.

Sa inilabas na memorandum ng DepEd, nakasaad na inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng DepEd na ipagpaliban muna ang pagbubukas ng klase, sa bisa na rin ng Republic Act No. 11480 na nagbibigay ng kapangyarihan sa pangulo na i-reschedule ang pagbubukas ng klase.

Una rito, naging maingay ang panawagan ng iba’t-ibang grupo at mga mambabatas na ipagpaliban muna ang opening of classes sa bansa dahil hindi pa anila handa ang DepEd para sa online at blended learning na ipatutupad dahil sa COVID-19 pandemic.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -