Pagbabayad ng renta sa mga ‘commercial space’ sinuspinde ng DTI

Pagbabayad ng renta sa mga ‘commercial space’ sinuspinde ng DTI

by Powered by DWIZ
43 views

Sinuspinde ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagbabayad ng renta sa mga negosyante sa inookupahang “commercial space” at maging sa mga inuupahang bahay o apartment ng mga pamilyang Pilipino.

Batay sa inilabas na kautusan ng DTI, bibigyan ng “30-day grace period” ang mga Pilipino na umuupa sa commercial at residential habang umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay DTI secretary Ramon Lopez, nakasaad din sa kautusan na hindi rin dapat patawan ng multa, interes at iba pang dagdag na bayarin ang mga nangungupahan.

Aniya, mag-uumpisa ang grace period sa huling due date ng pagbabayad ng renta.

Samantala, ang kabuuang halaga ng renta sa kasagsagan ng enhanced commnity quarantine ay kailangang hati-hatiin sa anim na buwan para mabayaran ito ng umuupa oras na matapos na ang lockdown.

0 comment

Related Posts