Pagbibigay-ayuda sa mga informal sector workers abonohan muna ng LGUs —SP Sotto

0
8

Iminungkahi ni Senate President Vicente Sotto III sa mga local government units (LGUs) na abonohan muna ang pagbibigay ng ayuda sa mga nasasakupang manggagawa ng informal sector habang hindi pa nakakatanggap ng tulong pinansyal mula sa gobyerno.

Ayon kay Sotto, sa pagkakataong ito ay mas mahalaga ang buhay ng bawat Pilipino kaysa sa pera at gobyerno.

Samantala, matatandaang humingi ng tawad kahapon si Cabinet Secretary Karlo Nograles sa mga low-income households na hindi pa rin nakakatanggap ng cash aid, na dapat ay magmumula sa P200-bilyong social amelioration program na ilalaan sa mga nawalan ng pagkakakitaan habang umiiral ang lockdown sa buong Luzon.