Locsin nag-negatibo sa COVID-19 rapid test ng Palasyo

0
27

Nagnegatibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. matapos na sumailalim sa rapid test bilang kondisyon bago makapasok sa loob ng Malacañang.

Ayon sa kalihim, kinailangan kasi niyang pumunta sa aiport upang asikasuhin ang mga dayuhan na papaalis na ng bansa matapos ma-stranded dahil sa ipinatupad na lockdown.

Dahil dito, kailangan umano niyang bumalik sa Palasyo para sa panibagong pagsusuri matapos na makasalamuha ang mga dayuhan sa paliparan.

Samantala, nagpapasalamat naman sa kalihim ang isang Canadian citizen sa ginawa nitong pagtulong sa kanyang mag-ama na muntikang hindi makasakay sa eroplano matapos na ma-deny sa exit.