Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na umakyat na sa 50 ang bilang ng mga pulis na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
UPDATE: (As of 6PM, April 14) Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Pambansang Pulisya, 50 na; 3 sa mga ito ang nasawi habang 8 ang naka-recover | via @pnppio pic.twitter.com/qOv6dKAroD
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) April 14, 2020
Ayon kay National Capital Region Police Office Director P/Lt. Gen. Guillermo Eleazar, bukod sa 50 na nagpositibo ay nakapagtala rin ang pulis ng 254 na posibleng nahawaan ng COVID-19, habang 348 naman ang suspect COVID-19 patients.
Aniya, bagamat itinalaga ang PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) para magmando sa mga nakatalagang checkpoints sa iba’t ibang panig ng bansa ay tiniyak naman ng pamunuan ng PNP na may nakalaang pasilidad para mabigyan ang mga ito ng kaukulang atensyon.
Samantala, patuloy parin naman aniya ang isinasagawang pagpaplano a pagpapatupad ng sari-saring intervention measures ng PNP upang mapigil ang lalo pang pagkalat ng COVID-19.