Pagbatikos ni Pangilinan sa IATF posibleng paghahanda sa nalalapit na eleksyon —Roque

0
22

Tiwala ang Malacañang na may kaugnayan sa nalalapit na eleksyon ang patuloy na pagbatikos ni Senador Francis Pangilinan sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

Ito ang hinala ni Presidential spokesman Atty. Harry Roque matapos na batikusin ni Pangilinan ang hakbang ng IATF na italaga ang mga cabinet secretaries upang pangasiwaan ang COVID-19 response sa ilang mga lokal na pamahalaan sa bansa.

Ayon kay Roque, posibleng set up lamang para sa 2022 elections ang mga kritisismong ibinabato ni pangilinan sa IATF.

Sinabi ni Roque, hindi na niya ikinagulat pa ang mga maaanghang na salita ni Pangilinan lalo pa’t re-electionist ito at posibleng naghahanda para sa eleksyon.

Una rito, matatandaang pinaiimbestigahan nina Pangilinan at Senator Risa Hontiveros sa Senado ang nasabing hakbang ng IATF at ang anila’y toxic micromanagement ng IATF sa sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.