Mga Pinoy overseas na tinamaan ng COVID-19 halos 10K na —DFA

0
23

Sumampa na sa halos 10,000 ang bilang ng mga Pilipinong nag positibo sa COVID-19 sa labas ng bansa.

Ito ay matapos na maitala ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kabuuang 9,908 bilang ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na nag positibo sa COVID-19.

Sa bilang na ito, nasa 5,844 ang mga nakarekober habang nasa 726 naman ang bilang ng mga nasawi.

Sa datos ng DFA, naitala sa Middle East ang pinakamaraming bilang ng mga OFW na nag positibo sa COVID-19 na mayroon ng 6,902 kaso ng COVID-19 habang sinundan naman ito ng Europa na mayroon ng 1,100 kaso ng COVID-19.