Saturday, May 18, 2024

Metro Manila at 4 karatig lalawigan balik GCQ na

- Advertisement -

Balik general community quarantine (GCQ) na ulit ang Metro Manila, at ilan pang mga lalawigan sa bansa.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, simula bukas, Agosto 19 ay isasailalim na lamang sa GCQ ang National Capital Region (NCR) kabilang na ang Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

Kabilang din naman sa isasailalim sa GCQ ang Batangas, Quezon Province, Iloilo City, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, at Talisay City sa Cebu; habang modified general community quarantine (MGCQ) naman ang ipatutupad sa iba pang bahagi ng bansa.

Kasabay nito, muli namang pinayuhan ng Pangulong Duterte ang mga Pilipino na mag-ingat at sumunod sa lahat ng ipinatutupad na mga alituntunin at protocols upang makaiwas sa COVID-19.

Samantala sinabi naman ni Presidential spokesman Harry Roque na sinamantala ng pamahalaan ang ipinatupad na modified enhanced community quarantine (MECQ) dahil ginamit aniya ang panahong ito upang pag-planuhan ang COVID-19 response ng pamahalaan.

Dagdag pa ni Roque, ipagpapatuloy pa rin aniya ng pamahalaan ang pool testing kung saan mas marami ang maaring isalang sa testing.

Aniya, nagdagdag na rin ng 250 beds sa East Avenue Medical Center na ekslusibo lamang para sa COVID-19 patients.

Samantala, una namang ini-rekumenda ng mga eksperto mula sa University of the Philippines na palawigin pa ng 15 na araw ang MECQ sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -