Pagbasura sa kasong isinampa laban kay dating Pangulong Aquino kaugnay ng Mamasapano Massacre di muna inaksyunan ng Sandiganbayan

0
53

Bigong aksyunan ng Sandiganbayan ang inihaing mosyon ni Ombudsman Samuel Martires upang ibasura ang kasong isinampa laban kay dating Pangulong Benigno Noynoy Aquino

Ito’y kaugnay ng mga kasong Usurpation  of Authority at Graft na isinampa laban kay Aquino dahil sa madugong Mamasapano Massacre nuong 2015 na ikinasawi ng 44 na miyembro SAF o Special Action Force ng PNP

Ayon sa Sandiganbayan 4th Division, hindi pa nila maaaring aksyunan ang inihiang mosyon ni Martires dahil may umiiral na TRO o Temporary Restraining Order na inilabas ng Korte Suprema kaugnay nito

Dahil dito, hindi pa maaaring dinggin ng Anti-Graft Court ang inihaing mosyon ni Martires hangga’t hindi pa binabawi ng High Tribunal ang inilabas nitong tro

Personal na humarap si Martires sa Sandiganbayan at iginiit nito na ang pag-aabsuwelto kay Aquino ay dahil sa kawalan ng ebidensya batay sa ginawang pagrepaso sa resolusyon nito nuong Hunyo at Setyembre ng taong 2017

Magugunitang kinasuhan ng Reckless Imprudence Resulting In Multiple Homicide sina Aquino, ang nuo’y suspendidong PNP Chief na si Allan Purisima at dating SAF Director Getulio Napeñas