Mga opisyal ng KAPA no show sa Prelim Investigation

0
44

Hindi sumipot ang mga opisyal ng KAPA Community Ministry sa isinagawang Prelimenary Investigation ng DOJ o Department of Justice hinggil sa kinasasangkutan nitong Investment Scam Case

Nabatid na pinadalhan ng subpoena si KAPA Founder Pastor Joel Apolinario at iba pang mga matataas na opisyal nito maging ang kanilang mga abogado

Dumalo naman sa nasabing imbestigasyon ang mga kinatawan mula sa SEC o Securities and Exchange Commission sa pangunguna ng Director nitong si Jose Aquino na tumatayong complainant

Sinabi ni Aquino na may mga testigo silang ihaharap maliban pa sa mga affidavit na magdiriin sa mga opisyal ng KAPA

Dahil dito, muling itinakda ng DOJ sa Hulyo15 , Lunes at inaasahang sisipot na si Apolinario at ang mga opisyal nito bitbit ang kanilang mga kontra salaysay