Duterte nagbabala na may sisibaking BOC officials

0
45

Ibinabala ni Pangulong Rodrigo Duterte na may sisibakin siyang ilang opisyal ng Bureau of Customs (BOC), pagbalik niya sa Maynila.

Ito mismo ang ini-anunsyo ng pangulo sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng Chen Yi Adventures Rice Processing Center sa Leyte, kagabi.

Ayon kay Pangulong Duterte, kailangan niyang gawin ang naturang hakbang para na rin sa kapakanan ng bansa.

Kasabay nito, ibinabala rin ng pangulo na posibleng niyang ilipat sa army ang pamamahala sa Customs.

Una rito, isiniwalat ni Senator Panfilo Lacson na umiiral pa rin ang ‘tara’ system sa BOC.

Anya, nanatili pa ring “business as usual” sa ilang opisyal ng Customs ang ‘tara’ o padulas para sa pagpapa-lusot ng mga kargamento.

Samantala, ibinunyag naman ng Presidential Anti-corruption Commission na ang BOC ang nangunguna sa listahan ng mga tanggapan ng pamahaalan kung saan talamak ang korapsyon.