31.9 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

100% operation ng mga negosyo nakadepende sa LGU’s —IATF

- Advertisement -

Ipinasa na ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa Local Government Units (LGU’s) ang pagpapasya kung papayagan nang makapag-operate ng full capacity ang ilang mga negosyo gaya ng mga restaurants at iba pang sektor ng mga negosyo sa kani-kanilang lungsod.

Ito ay sa harap ng nauna nang pagtutol ng Metro Manila Mayors sa mungkahi ng mga negosyante na buksan na ng 100% ang mga negosyo lalo na ang mga malls.

Paliwanag ni Department of Trade and Industry o DTI Secretary Ramon Lopez, hindi naman ibig sabihin nito ay magpapabaya na sa mga ipinatutupad na minimum health protocol kapag tinaasan na ang operating capacity ng mga negosyo.

Aniya, ang mga inaapela namang mga negosyo para maitaas ang operational capacity ay ang mga nagpartially opened na at ligtas na ang operasyon sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) kabilang na ang mga sektor ng legal, accounting, architecture at engineering services.

Ikinatwiran naman ni Lopez na sa tingin nila ay ligtas nang buksan sa full capacity ang mga negosyong ito lalo na’t nakikita sa datos na bumuti na ang mga numero ng COVID-19 case sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -