Duterte hinamon ang Amerika ng giyera vs. China

0
61

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Estados Unidos na magdeklara ng giyera laban sa China.

Sa kanyang talumpati sa Leyte kagabi, sinabi ng pangulo na hahayaan niya ang Amerika na magpadala ng sandata sa China, at pigilian ang militarisasyon sa China sa South Sea.

Ayon sa pangulo, dapat na mauna ang Estados Unidos na magdeklara ng giyera laban sa naturang bansa.

Kaugnay nito, tiniyak ng pangulo na susuportahan niya ang Amerika sakaling pumayag ito sa kanyang hamon.

Iginiit din ng pangulo na hindi mananalo ang Pilipinas kung magdedeklara ito ng giyera China, kaya’t dapat mauna ang Amerika.

Anya, dahil sa umiiral na kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at U.S. ay obligado ang bansa na suportahan ang amerika sakaling magdeklara ito ng giyera.

Samantala, hinimok rin naman ng pangulo ang China na huwag palakihin ang isyu sa South China Sea, sa gitna ng patuloy na militarisasyon sa pinag-aagawang lugar.