Saturday, May 4, 2024

Pagbabawal ng paggamit ng smartphones sa mga estudyante iminumungkahi

- Advertisement -

Iminungkahi ni San Jose Del Monte City Representative Florida Robes ang pagbabawal ng pagamit ng mga smartphones at iba pang electronic devices sa mga estudyante na may 15 taong gulang sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Ayon sa mambabatas, marami nang lumabas na pag-aaral na may epekto sa kalusugang pangkaisipan ng mga estudyante ang paggamit ng mga cellphones habang nasa eskwelahan.

Dagdag pa rito, hadlang rin aniya ito sa academic performance ng isang bata at dahilan rin sa pagtaas ng kaso ng teenage anxiety, depression at maging ng suicide.

Samantala, nakasaad rin sa isinusulong na batas ang pagsu-surrender ng mga gadgets sa kanilang mga guro at maaari lamang nila ito makuha pag tapos na ang klase o may emergency.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img