Saturday, May 4, 2024

Pagbabawal makapasok sa US ng mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas kinondena ng Palasyo

- Advertisement -

Tinawag na “insulting” at “offensive act” ng Malacañang ang hakbang ng Estados Unidos na huwag papasukin sa Amerika ang lahat ng mga opisyal ng Pilipinas na sangkot sa pagkakakulong kay Senador Leila De Lima.

Ito’y ayon mismo kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kung saan sinabi nito na mistulang labis na ang pangingialam ng Estados Unidos sa Pilipinas.

Aniya, ang aksyon na ito ng Amerika ay ’tila pangingialam sa proseso ng batas sa Pilipinas lalo na’t dinidinig pa ang kaso ni De Lima sa mga lokal na korte sa bansa.

Dagdag pa ni Panelo, layon  nitong gipitin o puwersahin ang independent institution na makaka-apekto sa soberanya ng bansa.

Giit pa nito, isa itong pambabastos sa kapasidad ng mga otoridad sa Pilipinas para palabasin na mas alam pa ng U.S. Senate Panel ang dapat na ipinatutupad sa bansa.

Matatandaang, una na ring nanawagan ang mga U.S. Senators na palayain na si De Lima kung saan tinawag naman itong “non –sense” ng palasyo ng Malacañang.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img