29.5 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Pagbabalik ng Balangiga Bells makatutulong sa turismo

- Advertisement -

Nakatakdang bumisita sa susunod na taon si DOT o Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo – Puyat sa Balangiga, Eastern Samar.

Ito’y para pormal na ilunsad ang pagpapalakas ng turismo sa naturang bayan matapos maibalik na ang mga makasaysayang kampana nito.

Naniniwala ang kalihim na malaking tulong aniya ang pagbabalik na ito ng mga kampana dahil sa mapalalakas pa nito ang turismo sa kabuuan ng Eastern Samar.

Dahil dito, sinabi ni Puyat na dapat maging handa na ang bayan ng Balangiga sa pagtanggap ng mga turista dahil maidaragdag na ang mga kampana sa darayuhin ng mga pilipino at dayuhang turista.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -