Thursday, May 2, 2024

COMELEC di pa maglalabas ng listahan ng mga election hotspot

- Advertisement -

Tinututukan muna ngayon ng COMELEC o Comission on Elections ang nakakasang plebesito para sa BOL o Bangsamoro Organic Law sa Enero ng susunod na taon.

Ito ang dahilan ayon kay COMELEC Spokesman Dir. James Jimenez ay kaya’t hindi pa sila naglalabas ng listahan ng mga tinatawag na election hotspot sa bansa.

Tanging hawak pa lamang sa ngayon ng COMELEC ani Jimenez ay ang listahan ng mga tinatawag na watchlist areas o iyong mga lugar na mainit ang tunggalian sa pulitika.

Gayunman, umaasa ang COMELEC na pagkatapos ng plebesito ay matututukan na nila ang naturang listahan upang mailatag na ng mga law enforcement agencies tulad ng PNP at AFP ang kanilang seguridad sa mga matutukoy na lugar.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img