Saturday, May 4, 2024

Unang araw ng Simbang Gabi naging mapayapa—NCRPO

- Advertisement -

Pangkalahatang naging mapayapa ang pagdaraos ng unang araw ng tradisyunal na Simbang Gabi ng mga Katoliko sa Metro Manila ngayong araw.

Ito’y ayon kay NCRPO o National Capital Region Police Office Chief P/Dir. Guillermo Eleazar batay sa naging ulat sa kaniya ng iba’t ibang district directors sa kaniyang nasasakupan.

Kaninang madaling araw, personal na naglibot si Eleazar sa ilang kilalang simbahan sa kalakhang Maynila tulad sa Quiapo, Sta. Cruz, Binondo, San Agustin sa Intramuros at Manila Cathedral.

Bagama’t walang namo-monitor na anumang banta sa seguridad ang NCRPO, tiniyak ni Eleazar na patuloy ang gagawin nilang pagpapatrolya at police visibility sa mga vital installations tulad ng simbahan, malls, palengke, terminal at iba pa.

Kasalukuyang naka-taas ang heightened alert status ng NCRPO bilang bahagi ng inilarga nilang “Ligtas Paskuhan 2018” na tatagal hanggang Enero a-tres ng susunod na taon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img