29 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Pag-usad ng ekonomiya sa PH posibleng bumagal

- Advertisement -

Posibleng bumagal ang pag-usad ng ekonomiya ng bansa.

Ito ayon sa economic managers ang epekto nang bigong pagpasa ng Kongreso sa 2019 national budget sa tamang panahon.

Sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno na asahan na ang mabagal na usad ng ekonomiya ng bansa sa una at ikalawang quarter ng taong 2019 dahil tiyak na made delay ang implementasyon ng mga proyekto dahil sa reenacted budget.

Gayunman, tiwala si Diokno na makakamit pa rin ang pito hanggang walong porsyentong tina-target na paglago sa ekonomiya ng bansa sa huling anim na buwan ng 2019.

Una nang inihayag ng Senado na hindi na nito mabubusisi ng buo ang panukalang 2019 budget bago pa mag Christmas break ang Kongreso dahil sa mabagal na pag apruba rito ng Kamara.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -