Tuesday, May 7, 2024

Pag guho ng isang budget hotel sa Malate, Manila posibleng kapabayaan ng demolition contractor —MPD

- Advertisement -

Posibleng may kapabayaan ang contractor ng demolisyon sa gumuhong gusali ng Sogo hotel sa Malate, Manila na ikinasawi ng dalawang (2) construction workers kahapon.

Ayon kay Manila Police District Director Brig. Gen. Vicente Danao Jr., ito ay dahil sabay-sabay ang pag-giba ng contractor sa mga palapag ng gusali na posibleng dahilan nang pagguho nito.

Dagdag pa ni Danao, isang witness din ang nagsabi na binalaan niya ang contractor na dapat ay paisa-isang palapag lamang ang pag-giba, ngunit hindi umano siya pinansin nito.

Una rito, ipinag-utos na naman ni Manila City Mayor Isko Moreno ang imbestigasyon sa naturang insidente kung saan nasugatan din ang dalawampung (20) construction workers.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img