35.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Kahilingan na dagdagan ang ATM service fees pinagiisipan ni Poe

- Advertisement -

Posibleng pagbigyan ni Senator Grace Poe ang hinihinging dagdag na ATM service fees ng mga bangko.

Ito ay matapos tiyakin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa Senate committee on Banks, Financial Institutions and Currencies, na pinamumunuan din ng senadora, na hindi naman 100% ang magiging pagtaas ng service fee kung saan papalo lamang ito sa P1 hanggang P3.

Ayon kay Poe, posibleng payagan niya ang inihihirit na ito ng mga bangko kung mapatutunayan ng mga ito na karapapat-dapat lamang na itaas ang ATM service fee.

Kasabay nito, nabatid din sa pagdinig ng Komite na ang dagdag singil ay para lang sa inter-bank services.

Kaugnay nito, naniniwala naman ang senadora na malaking pabigat sa publiko ang unang inihihirit ng mga bangko na P15 na dagdag singil sa ATM service fee.

Sa ngayon, tiniyak naman ni Poe na masusing pag-aaralan ng Komite ang naging basehan ng mga bangko sa kanilang hinihinging taas singil.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -