Mali-maling listahan ng mga napalayang convicts sa ilalim ng GCTA isinisi ng DILG sa BuCor

0
10

Isinisi ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Bureau of Corrections (BuCor) ang maling listahan ng mga napalayang convicts sa bisa ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Ito ay matapos ipag-utos ng Department of Justice (DOJ) ang pansamantalang pag-tigil sa pag-aresto ng mga napalayang convict matapos sumobra sa bilang ng mga napalaya ang mga sumukong bilanggo.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, hindi malinis ang listahan ng BuCor kung sino ang mga convict na dapat na muling arestuhin.

Sa ngayon, tiniyak naman ni Año na isinasailalim pa sa validation ang listahan na naglalaman din ng mga pangalan ng convicts na maagang napalaya dahil sa ‘executive clemency’ at parole.

Samantala, patuloy naman ang monitoring ng pulisya sa mga convicts na napalaya pero tiniyak ng pnp na hihintayin nila ang updated na listahan ng BuCor bago nila itututloy ang pag-aresto sa mga ito.