Bagong batas para matigil ang pananakit sa mga traffic enforcers hindi na kailangan — ex MMDA spox

0
16

Hindi kinakailangan ng bagong batas para matigil ang pananakit ng mga motorista sa mga traffic enforcers.

Ito ang iminungkahi ni Marikina City Representative Bayani Fernando, kasunod ng pambubugbog ng isang bus driver at kundoktor sa isang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) enforcer matapos silang sitahin dahil sa paglabag sa batas trapiko.

Ayon sa mambabatas na dati ring tagapagsalita ng MMDA, mayroon nang batas na nagpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga nananakit ng mga public officials lalo na’t kapag ito’y naka uniporme.

Aniya, ang naging problema lamang rito ay walang kasanayan ang mga MMDA na magposas ng mga abusadong motorista.

Samantala, inirerekomenda naman ni Fernando na armasan ang mga MMDA traffic enforcers ng bolo upang matakot ang sino mang magtatangkang manakit sa mga ito at para maiwasan narin ang komosyon na nagdudulot ng problema sa trapiko.