Friday, May 3, 2024

Pag-aresto sa ilang residenteng nagreklamo ukol sa anomalya sa SAP sa kanilang barangay ikinaalarma ng DILG

- Advertisement -

Labis na ikinaaalarma ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang ulat na inaresto ang ilang mga residenteng nag-report ng mga anomalyang kinasasangkutan ng mga barangay officials.

Ayon kay DILG Usec. Martin Diño, nakatanggap ang kanilang kagawaran ng report hinggil sa panibagong anomalyang kinasasangkutan ng mga lokal na opisyal.

Aniya, ilang mga residente kasi ang napabalitang kinaladkad at ikinulong ng mga barangay officials matapos na mag post sa social media laban sa mga opisyal ng barangay.

Sinabi ni Diño, nasa 3,000 reklamo na ang natatanggap ng DILG hinggil sa pamamahagi ng social amelioration program (SAP).

Samantala, una nang sinabi ni DILG Sec. Eduardo Año na mahaharap sa karampatang parusa ang mga lokal na opisyal na mapatutunayang sangkot sa mga nasabing anomalya.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img