31.6 C
Manila
Sunday, April 28, 2024

Pag-apruba ng Kamara sa 2nd reading sa provisional franchise ng ABS-CBN, binawi

- Advertisement -

Binawi ng kongreso ang kanilang pag-apruba sa ikalawang pagbasa sa House Bill 6732 o panukalang nagbibigay ng provisional franchise sa ABS-CBN.

Paliwanag ni Deputy Majority Leader Wilter Palma, marami pa daw kasing mga kuwestyon ang mga miyembro ng Kamara kaugnay sa panukala.

Gaya na lamang ng kuwestyon ni Albay Representative Edcel Lagman sa legalidad ng naunang pag-apruba sa bill nakaraang Miyerkules.

Ipinasa kasi sa parehong araw ang una at ikalawang pagbasa gayung nakasaad sa batas na ang isang bill ay dapat na aprubahan sa tatlong pagbasa sa makakahiwalay na araw maliban na lamang kung sesertipikahan itong urgent ng Pangulo.

Ayon kay Lagman, dapat na maalis ang anomang duda sa constitutionality ng pagpasa sa naturang panukala upang maiwasan ang pagkakaroon ng dahilan para i-veto ito ng presidente.

Dahil dito muling bubuksan ng Kamara ang period of debates and amendments sa panukalang pagbibigay ng provisional franchise sa ABS-CBN hanggang October 31, 2020.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -