Kamara kumambiyo sa planong huwag nang ituloy ang pagpataw ng excise tax sa tobacco products

0
17

Kumambiyo ang Kamara sa planong huwag nang ituloy ang pagpapataw ng excise tax sa vape at heated tobacco products.

Ito ay ayon kay House and Ways Committee Chair Joey Salceda matapos linawin ng Pangulong Rodrigo Duterte na hindi total ban sa vape at heated tobacco ang kaniyang direktiba.

Sinabi ni Salceda na inirekomenda sa kanila ng Department of Finance na panatilihin na lamang ng Kamara ang probisyon ng House Bill 1026 na nagtataas ng buwis sa vape at e cigarettes mula sa kasalukuyang itinakda ng Republic Act 11346.

Dahil sa panibagong pahayag ng Pangulo inihayag ni Salceda na pinag-aaralan nila ngayon na itaas pa ang buwis sa vape mula sa 25 pesos kada milliliter sa kasalukuyangh bersyon ng panukala at gawing 45 pesos kada milliliter.

Karamihan kasi aniya sa 1M tao na gumagamt ng vape sa bansa ay napapabilang sa upper middle at high income class habang 7M naman sa 23M naninigarilyong napapabilang sa lowest 50 percent.