Pag angkat ng bigas delikadong ipatigil — Pangulong Duterte

0
17

Maituturing na kahangalan ang pag-papahinto sa rice importation ng Pilipinas.

Ito ang binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng isang power plant sa lalawigan ng Sarangani, kagabi.

Ayon kay Pangulong Duterte, hindi lamang naunawaan ng maayos ang kanyang kautusan dahil makasasama anya ang hakbang na ito sa bansa.

Aniya, delikado na ipatigil ang pag-angkat ng bigas gayong natural na nananalasa ang mga bagyo sa Pilipinas na sumisira naman sa lupang sakahan.

Sinabi pa ng pangulo na kailangang-kailangan ng Pilipinas na mag-angkat ng bigas dahil hindi naman kayang tugunan ng mga lokal na magsasaka ang pangangailangan ng bansa sa bigas.

Matatandaang, binawi ng pangulo ang kaniyang unang utos na suspendihin ang pag-aangkat ng bigas matapos nitong makapulong sina Agriculture Sec. William Dar at Executive Sec. Salvador Medialdea.

“The Republic of the Philippines’ people and the producers are farmers. Lahat na ibubunga nila, harvest time, they can’t plant and harvest but it is always a contingent one in the Philippines. Now to say that to stop importation just because they’re willing to produce projected number, that would be a fully…. because I said we are the window to the Pacific Island, and you know there is never a way of knowing how much typhoon would ravage our plant including the rice plant and whether there will be a good harvest or not. So delikado na sabihin mo na… well, I completely misunderstood… sabagay, I always been misunderstood. My presidency was a misunderstand venture,” ani Pangulong Duterte.