29 porsyento ng mga brgy sa Metro Manila nalinis na sa iligal na droga — PDEA

0
12

Ibinida ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na 29 porsyento na ng mga baranggay sa Metro Manila ang kanilang nalinis sa iligal na droga.

Ito ang ini-anunsiyo ng PDEA —National Capital Region sa naganap na pulong ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing Program, 496 ng kabuuang 1,700 barangay sa Metro Manila na ang idineklarang drug free ngayong November 2019.

Mas mataas umano ito sa target na 491 baranggay para sa buong taon ng 2019.