Saturday, May 18, 2024

500m halaga ng biniling Insurance, kinuwesyon ng COA

- Advertisement -

Pinagpapaliwanag ngayon ng COA o Commission On Audit ang CAAP o Civil Aviation Authority of the Philippines

Kaugnay ito sa pagbili ng kalahating bilyong pisong halaga ng Life Insurance para sa sampung matataas na opisyal ng CAAP na hindi dumaan sa tamang proseso

Batay sa ulat ng COA, bumili umano ang CAAP ng Zenith Insurance Plan Sa Cocolife o United Coconut Planters Life Insurance Corporation na isang Investiment linked na produkto

Nabatid na hindi tinanggap ng CAAP Board ang nasabing hakbang at wala ring inilabas na resolusyon para rito kaya’t maituturing na iregular o hindi tama ang pagbili sa nasabing insurance

Dahil dito, hinikayat ng COA ang CAAP na bumuo ng isang Invertment Committee na tututok sa ganitong uri ng usapin at bawiin ang kabuuang ibinayad nito sa COCOLIFE sa halip ay mag-invest na lamang sa iba pang ahensya kung saan, malaki ang magiging balik

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -