29.8 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Pag-absuwelto sa dating alkalde ng Guihulngan, Negros Oriental inalmahan

- Advertisement -

Umaalma si dating Negros Oriental Congressman at ngayon ay Labor Usec. Jacinto Jing Paras sa aniya’y kaduda-dudang pagkaka-absuwelto sa kaso ni dating Guihulngan, Negros Oriental Mayor Ernesto Reyes.

Ito’y makaraang ipawalang-sala ng Sandiganbayan first division si Reyes nitong Biyernes kasabay din ng pagkaka-absuwelto sa PDAF plunder case ni dating Senador Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr.

Ayon kay Paras, masama ang kanyang loob sa desisyon ng korte dahil nasubaybayan niya ang kaso laban kay Reyes noong siya pa ang kongresista sa unang distrito ng Negros Oriental.

Paliwanag nito, batid niya kung paano nawaldas ang walumpung milyong pisong pondo na para sana sa mga mahihirap na residente sa bayan ng Guihulngan.

Batay sa datos mula sa Korte, taong 2008 nang sampahan ng apat na patong ng kasong graft si Reyes dahil sa umanoy ‘overpriced’ na road construction project na hindi dumaan sa public bidding.

Dahil dito, sinabi ni Paras na nakatakdang maghain ng motion for reconsideration ang complainant sa loob ng labinlimang araw sa Sandiganbayan.

Ito’y bago naman umapela sa Korte Suprema para mabaliktad ang desisyon laban sa dating alkalde at mabigyan ng hustisya ang mga residente ng Guihulngan, Negros Oriental.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -