29.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Oras ng pagboto sa 2019 elections pinalawig

- Advertisement -

Pinalawig ng Comelec o Commission on Elections ang oras ng pagboto sa darating na midterm elections sa susunod na taon.

Ayon kay Comelec spokesperson Director James Jimenez, dinagdagan ng isang oras ang botohan kung saan ginawa na itong mula ala sais ng umaga hanggang ala sais ng hapon.

Paliwanag ni Jimenez, ang nasabing pasiya ng ahensiya ay bunsod ng inaasahang pagtaas ng voting population na posibleng umabot sa animnapu’t isang milyon kumpara sa limampu’t walong milyon noong 2016 elections.

Sa kabila naman ng inaasahang pagtaas ng mga bilang ng botante, sinabi ni Jimenez na hindi pa rin magdaragdag ng mga vote counting machines ang ahensiya.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -