Wednesday, May 8, 2024

Mga kandidatong sangkot sa premature campaigning dapat tukuyin ng Comelec—BMP

- Advertisement -

Dapat tulungan ng Comelec o Commission on Elections ang mga botante para mabatid kung sinong kandidato sa 2019 mid-term elections ang nangangampaniya na kahit wala pang campaign period.

Iyan ang hamon ng BMP o Bukluran ng Mangagawang Pilipino sa Comelec kasunod ng naging pag-amin nito na tali ang kanilang kamay para papanagutin ang mga kandidato na pumapasok sa premature campaigning.

Magugunitang sinabi ni Comelec Spokesman Dir. James Jimenez sa kaniyang Twitter account na wala silang magagawa patungkol sa pre-mature campaigning at sa halip ay hinikayat nito ang mga botante na huwag na iboto ang mga kandidatong maagang nangangampaniya.

Ayon sa grupo, bagama’t sang-ayon sila sa posisyon ni Jimenez, subalit tungkulin nito na ipaalam sa publiko kung sinu-sinong kandidato ang lumalabag sa mga panuntunan sa halalan.

Batid naman ng grupo na walang umiiral na batas laban sa premature campaigning, ngunit hindi rin ito dapat maging palusot ng Comelec para hindi nila gampanan ang kanilang tungkulin sa bayan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img