Pacquiao tiniyak na magfo-focus sa kanyang laban kontra Thurman

0
61

Tiniyak ni Fighting Sen. Manny Pacquiao na naka-focus siya ngayon sa kaniyang laban kontra sa American boxer na si Keith Thurman sa Hulyo 20.

Ito ay kaugnay ng naging pahayag ni Thurman na tatapusin siya ang boxing career ni Pacquiao.

Ayon sa pambansang kamao, naka-focus siya ngayon sa kaniyang pag-e-ensayo, dahil nais niyang ipakain kay Thurman ang mga sinabi nito.

Kaugnay nito, aminado naman ang conditioning coach ni Pacquiao na si Justin Fortune na magiging mahirap ang laban para kay Pacquiao.