Isa patay mahigit 100 sugatan sa pagtama ng buhawi sa Amerika

0
52

Isa ang patay habang mahigit 100 ang sugatan sa pagtama ng mga buhawi sa Indiana at Ohio sa Amerika.

Sa ulat, nasira ang maraming kabahayan habang nasira ang mga bintana at gusali ng ilang paaralan dahilan para maagang pagbakasyunin ang mga estudyante.

Inararo rin ng buhawi ang Kansas, Idaho at Colorado.

Ang tumama sa naturang mga estado ay bahagi lamang ng 55 mga tornado na una nang inanunsyo ng U.S State Forecasting Center.