Aabot sa 5 hanggang 8 na bagyo ang tatama sa susunod na 3 buwan — PAGASA

0
57

Aabot sa lima hanggang walong bagyo ang tatama sa bansa sa susunod na tatlong buwan.

Ito, ayon kay PAGASA Deputy Administrator Flaviana Hilario, kung saan makararanas anya ang bansa ng “generally near normal rainfall condition” maliban sa mga lugar sa Apayao, Cagayan, Zambales at iba pang lugar sa Region 1.

Ayon kay Hilario, sa Hunyo hanggang Agosto, ay posibleng pumasok sa bansa ang hindi bababa sa limang bagyo.

Paliwanag nito, ang buwan ng Hulyo at Agosto ang itinuturing ng PAGASA na peak months o pinakamalakas na panahon ng tag-ulan sa Pilipinas.