Pacquiao may pahayag sa gitna ng kinahaharap na COVID-19 crisis sa mundo ngayon

0
64

“Walang halaga ang pera”

Ito ang naging pahayag ni Senator Manny Pacquiao sa gitna ng kinahaharap na pandemya ng buong mundo dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Pacquiao, sa panahon ng ganitong krisis, walang halaga ang pera ng sinuman dahil sa tindi ng panganib na nagbabanta sa buong mundo.

Aniya, pinatunayan ng krisis na ito na mas mahalaga pa rin ang pagkakaisa ng mga Filipino at ang pananalig sa Diyos.

Kaugnay nito, umapela si Pacquiao sa mga Filipino na ipagpatuloy lamang ang pagmamalasakit sa kapwa, pananalig sa Diyos at ang pagiging makabayan sa oras na malampasan na ng Pilipinas ang COVID-19 crisis.