PACC namahagi ng mga construction materials sa Mindanao

0
15

Namahagi ang Presidential Anti-Corruption Commission(PACC) ng construction materials sa mga naapektuhan ng sunud-sunod na lindol sa Mindanao.

Ayon kay PACC Commissioner Greco Belgica, inihahanda na ng pamahalaan ang mga permanenteng solusyon at mga lilipatang kahabayan ng mga apektado ng kalamidad.

Gayunman, sinabi ni Belgica na namahagi na sila ng ayuda upang madaling mailipat sa mga magandang estado ang mga biktima mula sa mga tent at temporary shelters.

Nakipag-ugnayan na rin sila sa DPWH upang tulungan ang mga lokal na pamahalaan upang maibsan ang kalbaryong pasanin ng mga naapektuhan ng lindol.