Stock na bigas ng NFA isinasailalim na sa quality audit at pest control

0
12

Isinasailalim na sa regular na quality audit gayundin sa pest control measures ang lahat ng stock na bigas ng National Food Authority sa buong bansa.

Iyan ang tiniyak ni NFA administrator Judy Carol Dansal kasunod ng reklamo ng ilang mga retailer sa Pasig City market dahil sa inuuod at mabahong NFA rice.

Ayon kay Dansal, batid naman ng mga accredited retailer na may patakaran na pinapalitan ng NFA ang mga hindi magagandang stock lalo na kung hindi naman maganda ang kalidad nito.

Dahil dito, asahan na ani Dansal na makabibili pa rin ang publiko ng magagandang kalidad ng bigas sa pamilihan na nagkakahalaga ng P27 kada kilo.