Lalawigan ng Leyte nakabangon na matapos manalasa ang bagyong Yolanda

0
14

Halos nakabangon na ang mga residente sa lalawigan ng Leyte, 6 na taon matapos manalasa ang super bagyong ‘Yolanda’ nuong 2013.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Exe. Dir. Ricardo Jalad, bagama’t may mga naninirahan pa rin sa mga temporary shelters pero marami na ang nabigyan ng permanenteng pabahay ng National Housing Authority.

Nasolusyunan na rin aniya ang problema ng isang lugar sa Leyte hinggil sa inuming tubig sa pamamagitan ng Local Water Utilities Administration (LWUA).