Pabahay na programa ng gobyerno ipinapatayo ng DHSUD para sa siudad ng Baguio

0
10

Baguio City – Aabot sa 129,000 na mga bahay o mga “housing units” ang “backlog” o hindi pa ipapatayo ng Department of Human Settlement and Urban Development o ang DHSUD para sa rehiyon Cordillera.

Ayon kay DHSUD-Cordillera Regional Director Mary Amoros, nananatiling 129,000 na mga manggagawa sa buong rehion ang umuupa pa lamang dahil sa wala itong sariling tahanan.

Dito sa lungsod ng Baguio, sinabi ni Amoroso na aabot sa 19,000 na “housing backlog” ang kailangan nilang bigyang solusyon.  Ang mga iba pang “backlog” ay mula sa anim na probinsiya at ng Tabuk City.

Sa paglulunsad ng Pambansang Pabahay para sa mga Pilipino Program itong mga nakaraang araw lamang, naniniwala si Amoroso na maipapatayo din nila ang backlog na mga bahay na mga ito para sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

Ayon sa kanya, ang nasabing programa ni Pangulong bong bong Marcos ay aabot sa anim na milyong housing units ang maipapatayo sa mga makikinabang benepisyaryo. Sa bawat taon, anya ay isang milyon ang nais nilang maipatayo.  Ang laki o lapad ng mga housing units ay aabot sa 24 na square meters na binubuo ng kuarto, salas at palingkuran o comfort room. Maari rin makakuha ng mas malapad o malaking na housing unit ngunit mas malaki ang amortization.

Samantala, matatandaan na noong Mierkoles, Mayo a 17, 2023 ay nailunsad sa  Sitio Topinao, Poblacion, Tuba, Benguet ang mga housing units na proyekto ng kanilang  opisina, Pag-ibig Fund at ng  gobierno lokal ng lungsod ng Baguio.

Ang nasabing proyekto ay aabot sa limang libong mamahihirap na pamilya ang inaasahang makikinabang ditto. Kasama rito ang mga squatters at empleyado ng gobiernong lokal na walang sariling tirahan o bahay o ang mga umuupa. (Joel Cervantes, photo courtesy of Baguio City Information office)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here