Friday, May 3, 2024

Paalala ng PNP ngayong Araw ng mga Puso: Manatiling alerto

- Advertisement -

Nanawagan ang Philippine National Police o PNP sa publiko na manatiling alerto ngayong Araw ng mga Puso.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, posibleng samantalahin ng mga criminal group ang pagdagsa ng tao sa mga pampublikong lugar.

Kasabay nito, nagtalaga na rin ang PNP ng karagdagang pulis sa mga lugar na inaasahang dadagsain ng tao ngayong Valentine’s Day.

Kabilang na rito sa ilang restaurant, mall, amusement part at iba pa.

Dapat din aniyang maging alerto at maaalam ang publiko sa mga istilo ng mga criminal group na nais mambiktima.

Dagdag pa ng opisyal, iwasan ang pagpo-post sa social media kung aalis ng bahay o tungkol sa inyong kinaroroonan.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img